Lumakas at nasa Severe Tropical Storm category na ang Bagyong Egay.
Ayon sa DOST-PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 610 kilometro, silangan ng Daet, Camarines Norte.
Kumikilos ang Bagyong Egay pa-kanlurang bahagi ng bansa, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 115 kilometro kada oras.
Wala pang lugar na inilagay sa Tropical Cyclone Wind Signal pero inaasahang magtataas na mamaya ng wind signals sa ialng bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas.
Sa pinakahuling forecast ng PAGASA, lalakas pa bilang typhoon sa susunod na 24 oras ang bagyo, bago maging super typhoon sa martes.
Magsisimulang humina ang Bagyong Egay pagsapit ng Miyerkules saka tatama sa kalupaan ng Taiwan.
Facebook Comments