#EgayPH lumakas pa habang papalapit ng bansa; Signal No. 1 nakataas sa ilang lugar sa Luzon at Visayas

Lalo pang lumakas ang Bagyong Egay habang kumikilos patungong kanlurang bahagi ng bansa.

Ayon sa DOST-PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 560km silangan ng Daet, Camarines Norte.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 10 km kada oras.


Taglay ng Bagyong Egay ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na nasa 135 km kada oras.

Samantala, sa ngayon ay nakataaas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Sa Luzon:

Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur, northern portion ng Aurora, eastern portion ng Isabela, at eastern portion ng Cagayan.

Sa bahagi ng Visayas:

Northern portion ng Eastern Samar at eastern portion ng Northern Samar

Inaasahang lalakas pa at magiging isang typhoon ang bagyo as susunod na 24 oras bago maging super typhoon sa Martes.

Facebook Comments