EGG COFFEE NA TANYAG SA VIETNAM, TAMPOK SA ISANG CAFE SA MANGATAREM

Isang bagong timpla ng kape ang ipinakilala ng Agkapita – The Viral Coffee Shop sa bayan ng Mangatarem, ang tinatawag na “Egg Coffee.”

Ang inobasyong ito ay unti-unting nakakakuha ng atensyon mula sa mga lokal at turista dahil sa kakaibang kombinasyon ng itlog at kape.

Ayon kay Mawi Rillorta, may-ari ng café, ang Egg Coffee ay isang tradisyunal na inumin mula sa Vietnam na ngayon ay matitikman na rin dito sa Pilipinas.

Ang timplang ito ay gumagamit ng hilaw na itlog na hinahalo sa tinimplang kape, at dapat tama ang pagkakagawa upang hindi maging malansa sa panlasa.

Ang Egg Coffee ng café ay isa sa mga patok na inumin na dinarayo ng mga customer, partikular ang mga nais mag-explore ng bagong flavor profile ng kape.

Bukod sa pagiging isang “Instagrammable” na inumin, ang Egg Coffee ay matitikman sa abot-kayang halaga na P160.

Samantala, para sa mga gustong sumubok, bukas ang café mula umaga hanggang gabi upang matikman ang kanilang ipinagmamalaking Egg Coffee at iba pang mga specialty drinks. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments