Egypt, paiigtingin ang vaccination rollout kasunod ng banta ng COVID-19 4th wave

Nasa 4.5 milyong state employees ang nakatakdang bakunahan sa Egypt ngayong Agosto hanggang Setyembre.

Ayon kay Egypt Health Minister Hala Zayed, ito ay sa harap ng pangambang magkaroon ng ika-apat na wave ng COVID-19.

Hanggang noong Linggo, umabot na sa 286,352 ang kaso ng COVID-19 sa Egypt habang 16,647 na ang nasawi.


Nasa 7.5 million naman ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Samantala, kahapon nang aprubahan ng Egyptian Drug Authority ang emergency use ng kanilang locally made COVID-19 vaccine na VACSERA-Sinovac.

Facebook Comments