Eidl Adha ipinagdiwang sa BARMM

Dinagsa ng mga mananampalatayang Islam ang ibat ibang bahagi ng Central Mindanao kasabay ng selebrasyon ng Eidl Adha.
Kabilang sa tinungo ng mga ito ang BARMM Compound, Peoples Palace Ground, Bolkiah Mosque, Municipal Plaza ng Pikit sa North Cotabato at Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.
Nagpaabot naman ng pagbati ng Kapayapaan ang mga opisyales ng BARMM sa pangunguna ni ICM Ahod Ebrahim, Cotabato City Government, North Cotabato Government at Maguindanao Government.
Naging maayos naman sa pangkalahatan ang selebrasyon.
CCTO Pic

Facebook Comments