Manila, Philippines – Humigit -kumulang sa 5,000 mananampalataya ng Islam ang nagdiwang ng Eid’l Fitr o ang Pista ng pagtatapos ng buwan ng Ramadan sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Lungsod ng Maynila.
Nagsimulang magdatingan ang mga Muslim alas 3 ng madaling-araw hanggang mapuno nila ang harapan ng Quirino Grandstand kung saan nagsimula ang panalangin alas-7:00 ng umaga at matapos ito ay isinunod ng Imam ang Kutba Tul Ed o ang katumbas na homiliya.
Ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr ay may temang Unity Brotherhood and Cooperation at sa pamamagitan ng programa ay pinakita ang pagkakaisa ng mga mananampalatayang Islam.
Panalangin ng mga kapatirang Muslim ang kapayapaan, kaunlaran at ang matagumpay na pagsusulong ng Bangsamo Basic Law (BBL).
Natapos ang panalangin at Kutba Tul Ed mag-a-alas otso ng umaga.