Taguig City – Kasunod ng pagtatapos ng Ramadan o pagdiriwang ngayong araw ng Eid’l Fitr ng mga kapatid nating Muslim.
Sinimulan sa Eid prayers kaninang alas 7:00 ng umaga ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa Blue Mosque sa Maharlika Village, Taguig City kung saan sabay-sabay silang yumuko at nanalangin kay Allah.
Isinara pansamantala ang Mindanao Avenue kanto ng Jolo Street, sa harap ng Blue Mosque upang bigyan daan ang special prayer o sa sermon ng kanilang Ustadz o high priest.
Suot ng mga kapatid nating Muslim ang kanilang magagarang damit, ang mga lalake ay nakasuot ng Kimon, habang ang mga babae naman ay nakasuot ng mahabang damit na kung tawagin ay Abaya.
Ang Eid, ay isang kapistahang Muslim na palatandaan ng pagtatapos ng Ramadan.
Ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng mga Muslim ng tatlong araw matapos ang isang buwan ng fasting o pag-aayuno.
Layunin nito na itaguyod ang cultural understanding, pagsasama-sama at pagkakaroon ng oportunidad na makiisa sa mga kapatid na Muslim sa paggunita at pagdiriwang ng Eid’l Fitr.