EID’L FITR | PNP ARMM, nakiisa sa mga kapatid na Muslim sa Maguindanao

Maguindanao – Nakiisa ang mga tauhan ng Police Regional Office ARMM sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ng mga kapatid na muslim sa Kampo Muslim, Brgy. Mamaanon, Parang, Maguindanao.

Ayon kay PNP ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar Delos Santos naghanda ng pagkain ang mga tauhan ng Parang Municipal Police Station para sa mga kapatid na muslim sa Brgy Mamaanon at pinagsaluhan bahagi ng kanduli o pasasalamat at Iftar o proper breaking ng fasting matapos halos isang buwang ramadan.

Sinabi ni Delos Santos na ang aktibidad na ito ay pasasalamat ng PNP ARMM sa mga kapatid na Muslim sa lugar dahil sa maayos samahan at pagbibigay respeto sa selebrasyon ng panahon ng pasasalamat ng mga kapatid ng Muslim.


Tiniyak naman ni Delos Santos na magpapatuloy ang pagsisilbi ng PNP sa lugar lalot kung ito ay may kinalaman sa religious acitivity ng mga kapatid na Muslim.

Facebook Comments