Marawi – Nagpaabot ng suporta ang Task Force Bangon Marawi para sa selebrasyon ng Eid’l Fitr, ng mga kapatid nating Muslim na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakakabalik sa kanilang tahanan matapos ang Marawi siege.
Ayon kay Task Force Bangon Marawi Usec Falconi Ace Millar, inilungsad ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang “Duyog Ramadhan Alang sa Kalinaw”, isang solidarity project na naglalayong asistehan ang mga Muslim sa huling sampung araw ng Ramadan, sa kabila ng mga limitasyon kinahaharap ng mga ito sa mga transitional shelters.
Simula noong June 6 ay nagsagawa aniya sila ng peace conversation, Islamic film showing at Koran reading contest.
Ang solidary project na ito ay tatagal hanggang June 15.
Kaugnay nito, nagpaabot naman ng mensahe si Marawi Mayor Majul Usman Gandamra sa kaniyang mga kababayan para sa nalalapit na pagtatapos ng pista ng Ramadan. Aniya, magsilbi sanang aral ang mga di magandang karanasan sa Marawi City at palitan na lamang ito ng positibong pananaw upang makapagpatuloy sa buhay.