Eiffel tower, pansamantalang isinara!

Paris, France – Isinara ng pansamantala ang sikat na dinarayo ng mga turista na Eiffel tower.

Ito ay bunsod ng nararanasang snowfall.

Itinaas na ng national weather agency ng France sa dangerous level ang alert dahil sa matinding buhos ng niyebe.


Lubos na apektado ay ang Northern at Central France.

Magtatagal pa ng hanggang tatlong araw ang naturang lagay ng panahon.

Facebook Comments