Eight Division World Champion Manny Pacquiao, kinilalang Greatest Boxer ng 21st Century ng Give Me Sport

Kinilala bilang Greatest Boxer ng 21st Century si Eight Division World Champion at Senator Manny Pacquiao ng Give Me Sport habang nasa ikalawang posisyon si Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay Sam Righton ng Give Me Sports, gumawa sila ng “Ranker,” na isang fan voting website, bilang gabay kung sinu-sino ang dapat isama sa listahan at kung saang posisyon o rank sila ilalagay.

Aniya, mahigpit na deliberasyon ang ginawa ng mga boxing analysts kung saan ang mga achievement at impact ni Pacquiao ang nangibabaw kontra sa walang talong record ni Mayweather.


Bukod kay Pacquiao, pasok din sa 50 Greatest Boxers of the 21st Century list ang Pinoy boxer na si Nonito “The Flash” Donaire na nasa ika-29 pwesto.

Facebook Comments