EJ Laure, nilinaw ang isyung buntis siya kay Bugoy Cariño

Pinabulaanan ng Volleyball player na si EJ Laure ang bali-balitang buntis umano ito at ang hashtag member umano na si Bugoy Carino ang ama.
Ideninay ng 19 year-old former star spiker ng UST ang pagbubuntis sa pamamagitan ng kanyang facebook post kahapon, March 11.
Iginiit nito na pinapahinga pa rin niya ang kanyang balikat dahil sa “chronic shoulder injury.”
Sa isang cryptic tweet naman ng 15 year-old na si Bugoy ay sinabi nitong tatawanan na lamang niya ang isyu.
Nitong mga nakaraang araw ay mainit na pinag-usapan sa social media ang nasabing chismis.

Facebook Comments