EJ Obiena, hindi na sasabak sa Asian Indoor Championships dahil sa isyu ng biyahe at pinansiyal

Courtesy: EJ Obiena | Facebook

Malungkot na inanunsiyo ng Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena na hindi siya makakapaglaro sa Asian Indoor Championships na gaganapin sa susunod na linggo sa Astana, Kazakhstan.

Ayon kay Obiena, ito ay dahil sa isyu ng transportasyon at pinansiyal na dahilan.

“I am truly heartbroken to share this news. I shall be unable to participate in the upcoming Asian Indoor Championships next week in Kazakhstan. I won’t be able to bring glory to my country,”


Sa kabila kasi ng mga pagsisikap ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay walang airline ang makakapagdala kay Obiena sa nasabing bansa.

Bukod kay Obiena, maraming Asian pole vaulter din ang hindi makakapaglaro sa nasabing kompetisyon dahil sa kaparehong problema.

Dismayado naman si Obiena lalo na’t maraming magagaling na kalahok sana ang hindi nabigyan ng pagkakataong magpakitang gilas dito.

Samantala, sinabi pa ng Asian record holder na mahigit isang taon na silang hindi napapasahod.

Sa kabila ng mga problema, desidido pa rin si Obiena na ituloy ang paggsabak sa iba pang kompetisyon.

“I look ahead to upcoming competitions and I will continue to do my best for my country. That’s the solution and that’s all I can do,” ani Obiena.

Kamakailan lamang ay nasungkit ni EJ ang gintong medalya sa Orlen Cup habang kasalukuyan naman siyang naglalaro sa Copernicus Cup.

Facebook Comments