EJ Obiena, nagtapos sa ika-10 pwesto sa Brussels meet

Nagtapos sa ika-10 pwesto si EJ Obiena sa Wanda Diamond League qualifications meet sa Brussels, Belgium.

Nakapagtala si Obiena ng pole vault record na 5.35, 5.50 at 5.65 meters sa kaniyang huling attempt.

Bagama’t bigo makapagtala ng 5.75 meters finish record, pasok pa rin si Obiena sa final round ng Diamond League dahil sa kaniyang naitalang puntos sa anim na qualifiers noong May 2021.


Sa ngayon si Obiena ay nasa ikalimang pwesto sa world ranking matapos ang kaniyang fourth-place finish sa Stockholm noong Hulyo at fifth-place output sa Lausanne noong Agosto.

Facebook Comments