EJ Obiena, tiniyak na hindi aabandunahin ang Pilipinas sa kabila ng mga alok ng ibang mga bansa

Tiniyak ni Olympian at Filipino Pole Vaulter EJ Obiena na hindi niya aabandunahin ang bandila ng Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng sigalot ni Obiena at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Pagtitiyak ni Obiena sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Youth and Sports Development, hindi niya aabandonahin ang bandila at patuloy na magsisikap para magkamit ng mga medalya para sa ating bansa.


Matapos kasi ang isyu sa PATAFA ay nagkaroon naman ng kabi-kabilang “offer” sa kanya na maging kinatawan ng ibang mga bansa.

Maalala na inakusahan ng PATAFA si Obiena ng “falsification of documents” kaugnay sa mga gastos, at umano’y delayed na pagbabayad ng sweldo ng kanyang coach na si Vitaliy Petrov.

Pero pinabulaanan ni Obiena ang paratang at iginiit sa Kamara na mag-isa lang siya sa Italya na nagsasanay para sa 2024 Paris Olympics at dahil 100-araw na mula nang huli siyang bigyan ng budget ay siya na rin ang gumagastos sa sarili at tinutulungan din siya ng kanyang dayuhang coach.

Facebook Comments