Ejercito: Kamara, gusto ng “forever” kaya pilit na isinusulong ang People’s Initiative

Gusto umano ng Kamara ng “forever” kaya suportado ang pagsusulong ng People’s Initiative.

Ayon kay Senator JV Ejercito, noon pa man ay sang-ayon na ang Senado sa constitutional amendments sa economic provisions.

Iyon lamang ang nais aniya ng Mababang Kapulungan ay gawing unicameral ang Kongreso mula sa kasalukuyang bicameral upang mawala ang mekanismo ng check and balance.


Sa tingin ng senador, mukhang ito ang pangunahing rason para maitulak nila ang political provisions lalo na ang pag-aalis ng term limits para may “forever”.

Dahil dito, naniniwala si Ejercito na ang People’s Initiative ay isang Politician’s Initiative.

Facebook Comments