EJK | Dagdag na mga ebidensiyang kasong isasampa kay PRRD sa ICC inihahanda na

Manila, Philippines – Kinumpirma ni dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares na pinaghahandaan na ng kanilang kampo ang supplemental pleading para isumite sa International Criminal Court (ICC) ang kasong isasampa kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ginanap na forum sa Quezon City sinabi ni Colmenares na sa susunod na linggo ay isasampa na ang kaso dahil hihingi pa sila ng certified thru copy sa Malacañang kaugnay sa sinabi ng Pangulo na ang kanyang kasalanan lamang ay ang EJK.

Dagdag pa ng dating mambabatas, mayroon na silang sulat at bubuksan na ng ICC ang preliminary examination kung saan titingnan dito ang bigat at may matibay na ebidensiya ng kaso laban kay Pangulong Duterte.


Paliwanag ni Colmenares na ang rule ng ICC kapag mayroong kaso ang isang inirereklamo sa kanilang bansa ay hindi pwedeng sampahan ng kaso sa International Criminal Court (ICC) pero sa kaso ni Duterte ay walang kaso sa Pilipinas dahil sa immune siya sa suit kaya pwede umanong sampahan ng kaso ang Pangulo sa ICC.

Facebook Comments