EJK | Pahayag ni PRRD na kasalanan niya ang Extra Judicial Killings, gagamitin ng NUPL sa ICC

Manila, Philippines – Gagamitin ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag nito na tanging kasalanan niya ay ang Extra Judicial Killings.

Isusumite ng nupl ito bilang ebidensya sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Atty. Neri Colmenares, NUPL Chairperson – inihahanda na nila ang supplemental reading na ihahain nila sa susunod na linggo para mapalakas ang reklamo.


Nauna nang sinabi ng malacañan na hindi pag-amin sa EJK ang sinabi ng Pangulo.

Facebook Comments