Manila, Philippines – Hindi mapapatawad ng Pilipinas si United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard dahil sa naging pahayag nito hinggil sa extra judicial killings sa bansa
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, matatagalan pa bago maghilom ang mga sugat dahil sa mga ginawang pambabatikos ni Callamard sa administrasyong Duterte.
Dismayado rin aniya ang gobyerno dahil pumasok si Callamard sa Pilipinas nang hindi naman imbitado ng estado.
Kinumprima naman ni Roque na magpapadala na ang United Nations sa Pilipinas ng listahan ng mga special rapporteur na papalit kay Callamard.
<#m_649280684599425612_m_7724224580834195195_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
Facebook Comments