Hiniling ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel sa House Quad Committee na tutukan din ng imbestigasyon nito ang mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) noong panahon ng administrasyong Duterte na hindi konektado sa war on drugs.
Partikular na tinukoy ni Manuel ang mga kritiko at aktibista noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinukoy ni Manuel ang naging pahayag ni Duterte na ang drug war killings ay bahagi ng kanyang mga hakbang laban sa mga kriminal at lawless elements.
Sabi ni Manuel, kabilang sa mga itinuturing ng dating pangulo na lawless elements ang mga aktibista at kritiko ng kanyang administrasyon.
Facebook Comments