Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Richard Gordon na malabong magkaroon ng kaso si Pangulong Rodrigo Duterte dahil lamang sa pag-amin nito na ang tanging kasalanan lang niya ay ang extra judicial killings (EJK).
Ayon kay Gordon, kailangang magkaroon ng mga ebidensya para makasuhan ang Pangulo tulad ng sino ang pinapatay nito, kailan at kung paano niya ito pinapatay.
Giit pa ni Gordon, posibleng nagbibiro lang rin ang Pangulo nang sabihin ito.
Maaaring sinabi lang rin aniya yun ng Pangulo para ipakitang matapang ito at pursigidong masugpo ang illegal na droga sa bansa.
Facebook Comments