Ekonomista, may mga inilatag na isyu na dapat lamanin ng SONA ni PBBM

Dapat maging prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kaniyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) sa July 25 ang ilang mga mahahalagang isyu sa bansa.

Ayon sa isang ekonomista at dating Department of Finance (DOF) Secretary Roberto de Ocampo, una na rito ang pagpapatuloy ng COVID-19 response ng pamahalaan at pagtiyak sa healthcare capability ng bansa.

Ikalawa aniya ay ang tungkol sa pagbubukas ng ekonomiya, maging ang mga hakbang na dapat gawin kontra sa kahirapan at ang patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.


Dagdag pa ni De Ocampo , dapat ding maisama sa SONA ng pangulo ang plano ng administrasyon sa pagbubuwis na magreresulta ng malaking income sa gobyerno na maaaring gamitin sa pagtulong sa mga Pilipino.

Maaari rin aniyang palawakin ni Marcos Jr., ang mga una ng naipasang batas na may kinalaman sa pagbubuwis tulad ng TRAIN Act at Public Service Act.

Ayon pa kay De Ocampo, dapat ding mapanatili ang pagpapatupad ng public private partnership program para mas maging malakas ang sektor sa negosyo, manufacturing at infrastructure.

Facebook Comments