Ekonomiya, isa sa basehan sa pagrerekomenda ng quarantine measures – DOH

Mahigpit na koordinasyon ang ginagawa ng Department of Health (DOH) sa iba pang ahensya ng pamahalaan pagdating sa rekomendasyon ng community quarantine levels sa ilang lugar sa bansa para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ang pahayag ng DOH kasunod ng rekomendasyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ibaba na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila at CALABARZON para muling pasiglahin ang ekonomiya.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mahalagang mabalanse ang pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan at pag-usad ng ekonomiya.


Sinabi rin ni Vergeire na ang DOH ang responsable sa pagbibigay ng technical guidelines.

Una nang sinabi ni Dominguez na ang National Capital Region (NCR) at Region 4-A ay sentro ng ekonomiya ng bansa at pabor sa pagpapatupad ng targeted lockdown sa mga komunidad.

Sa ngayon, nananatili ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cebu City at GCQ sa Metro Manila hanggang July 15.

Facebook Comments