Ekonomiya, malaki ang ibabagsak kung hahayaang magsara ang mga MSMEs

Nagbabala si Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na mas malaki ang mawawala sa ekonomiya kung hahayaan na magsara ang mga maliliit na negosyo.

Ayon kay Salceda, 99% ng mga negosyo sa Pilipinas ay napapabilang sa Micro-Small and Medium Enterprises o MSMEs na kung saan tinatayang nasa 65% ng mga manggagawa sa bansa ay empleyado ng mga ito.

Giit ng kongresista, maituturing na “matter of public interest” ang pagtulong sa MSMEs laban sa epekto ng COVID-19 sa mga negosyo.


Dahil dito, hiniling ni Salceda na tulungan ng gobyerno ang mga MSMEs sa pamamagitan ng murang pautang, credit mediation, refinancing at bailouts.

Paliwanag ng mambabatas, kung hahayaan na magsara ang mga maliliit na negosyo ay magkakaroon ng pagliit sa suplay na mas matagal ang itatagal na negatibong epekto sa ekonomiya.

Ibig sabihin, hindi hamak na mas madaling i-preserve o panatilihin ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng mga ibibigay na ayuda kumpara sa paglikha muli ng mga bagong negosyo at trabaho na mas malaki naman ang gagastusin ng pamahalaan.

Facebook Comments