Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa opening ceremony ng ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium ang tatlong prayoridad na isyu na nais tutukan ng European Union at ASEAN.
Sa speech, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na unang prayoridad ng ASEAN-EU ay ang mas magandang maritime cooperation sa pagitan ng kanilang mga blocs batay na rin sa intersection of priority sa pagitan ng ASEAN Outlook on the Indo-Pacific at EU Strategy for Cooperation in the Indo-Pacific.
Pangalawa ay ang mas magandang samahan para sa economic cooperation kapwa bilateral at bloc-to-bloc relations.
Sinabi nang pangulo na ngayong nasa economic recovery ang halos buong mundo resulta ng pandemya at banta sa supply chain, umaasa ang pangulo na makikita ang planong ‘Philippine-EU Free Trade Agreement’
Huling prayoridad na isyu ng ASEAN-EU na nais tutukan ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa nang bawat isa para labanan ang matinding epekto ng climate change para mapanatili ang sustainable development.