Ekonomiya ng bansa, inaasahang makaka-rekober na sa third quarter ng 2020

Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na makaka-rekober na ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong ibinaba na sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang ilang lugar sa bansa.

Ayon kay NEDA Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, posibleng maganap ito sa ikatlong quarter ng taong 2020 kung saan inaasahang papalo sa 2 hanggang 3.4 percent ang economy rate ng bansa.

Mas mataas aniya ito sa -0.2 percent economy rate na naitala nitong first quarter.


Facebook Comments