
Matatag pa rin ang lagay ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, lumago sa 5.6% ang kabuuang ekonomiya ng bansa sa 2024, matapos na maitala ang 5.2% na Gross Domestic Product (GDP) sa bansa nitong huling quarter ng 2024.
Naitala naman sa 7.6% ang gross national income habang tumaas sa 26.1% ang net primary income para sa kabuuang taon ng 2024.
Kasama sa nakaambag sa paglago ng economic performance ang services sector na nasa 4.1%, at sektor ng industriya ay nasa 1.6%
Ayon naman kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, nananatiling ‘resilient’ ang ekonomiya ng bansa kabila ng iba’t ibang hamon na hinarap sa nakalipas na taon lalo na sa agriculture sector.
Kahit na kapos rin ang 2024 GDP sa government target na 6-6.5% ay pasok pa rin ang Pilipinas bilang ikatlo sa fast growing economy sa Southeast Asia na sumunod sa Vietnam at China.