Ekonomiya ng bansa, lumago sa 3rd Quarter ng taon

Lumago ang ekonomiya ng bansa sa ikatlong kwarter ng taon.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 6.2% ang Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas mula Hulyo hanggang Setyembre.

Mas maataas ito kumpara sa una at ikalawang kwarter.


Ayon kay Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia, isa sa mga nagpaangat nito ay ang 6.9% Growth sa Service Sector.

Target na maabot ng gobyerno ang 6.7% GDP Growth sa pagtatapos ng taon.

Ang GDP ay ang kabuoang halaga ng produkto at serbisyo ng isang bansa sa loob ng isang taon.

Facebook Comments