Ekonomiya ng bansa, nagsisimula na ulit makabawi dahil sa job creation at upskilling – Concepcion

Nagsisimula na ulit makabawi ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa nagdaang pandemya.

Ayon kay Go Negosyo Founder at Private Sector Lead for Jobs Joey Concepcion, isa ang job creation o paggawa ng maraming trabaho ang susi upang makamit ito.

Dagdag pa ni Concepcion, nakatulong din aniya ang mga foreign investment na nakuha ng pangulo sa pagbuo ng mga negosyo na para makapaglunsad ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.


Samantala, sa usapin naman ng ₱100 umento sa sahod, sinabi ni Concepcion na lubhang maaapektuhan ang maliliit na negosyante kung matutuloy ito.

Kailangan muna aniyang tutukan ang pagpaparami ng trabaho dahil hindi lahat ng kumpanya ay may kakayahang magtaas ng sahod.

Kaugnay nito ay pinayuhan ni Concepcion nito ang mga Pilipino na hasain pa ang kanilang mga kakayahan para ma-promote at magkaroon ng mas mataas na sahod.

Facebook Comments