Ekonomiya ng Pilipinas, gaganda sa pagpasok ng 2022 ayon sa isang feng shui expert; mas maraming sakuna na may kinalaman sa tubig – ibinabala!

368

Nagbigay ng pagtataya ang feng shui expert na si Tony Suvega ngayong papasok na 2022 na year of the water tiger.

Sa usapin ng ekonomiya, sinabi ni Suvega na maganda ang magiging takbo ng Pilipinas.

Ayon sa feng shui expert, nakikita nito na maraming pera ang papasok sa bansa habang maraming trabaho ang magbubukas para sa publiko.


Nakikita rin ni Suvega na sa pagpasok ng bagong taon ay panahon na dadagsa ang mag-aasawa at magbubuntis.

Ngunit nagbabala ang feng shui expert na paghandaan ang mga nagbabadyang delubyo sa taong 2022 partikular sa katubigan.

Kaya hinihikayat ni Suvega ang publiko na ingatan ang kalikasan dahil ito ang nagiging sanhi ng iba’t ibang kalamidad.



Facebook Comments