Nasa halos 70% ngayon ng ating ekonomiya ang nasa ilalim ng mas mahigpit na quarantine restrictions.
Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) kung saan inaasahang aabot sa ₱150 billion ang mawawala kada linggo dahil dito.
Paliwanag ni NEDA Chief at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, katumbas kasi ito ng 600,000 manggagawa na apektado ng lockdown.
Dahil dito, posible rin aniyang madagdagan pa ng 250,000 ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.
Facebook Comments