Sinisikap ng pamahalaan na umahon sa harap ng hindi magandang takbo ng ekonomiya ng bansa.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na bumubulusok ang bansa dahil sa pandemya.
Aniya, tinatayang nasa 2 bilyong piso ang nawawala sa bansa kada araw.
Sinabi ng Pangulo na maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa noong nakaraang taon pero nang pumutok ang pandemya ay agad itong humina.
Pero huwag aniya mawalan ng pag-asa ang publiko dahil darating na ang mga bakuna para labanan ang sakit.
Una nang iniulat na naitala ang malalang contraction ng ekonomiya ng bansa na nasa 9.5% nitong 2020 matapos maapektuhan ng pandemya ang mga negosyo, domestic consumption at unemployment.
Facebook Comments