Umaasa ang Department of Budget and Management (DBM) na tuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Kasunod ito ng inilabas na ratings ng kilalang international credit rating agency na Fitch kung saan napanatili ng Pilipinas ang ‘BBB’ pagdating investment grade long-term foreign currency rating.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ito ay dahil sa matatag na medium-term growth ng bansa na nagresulta sa pangunguna natin bilang isa sa fastest growing economies sa Southeast Asia.
Kasunod nito, ipagpapatuloy pa rin aniya ng DBM ang pagprayoridad sa mga programa na magpapalakas sa ekonomiya ng bansa kabilang na ang Build-Better-More infrastructure program.
Facebook Comments