Tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng 2022.
Ang GDP ay ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na ginagawa sa isang bansa sa loob ng itinakdang panahon.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, bumilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa 7.6% noong Hulyo hanggang Setyembre kumpara sa 7.5% GDP growth noong ikalawang quarter ng taon.
Mas mataas din ito sa 7% na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Ayon kay PSA National Statistician Claire Dennis Mapa, pangunahing source ng paglago ng ekonomiya ang services sector.
“Sa naitalang pagtaas sa GDP na 7.6% sa ikatlong kwarter ng taong 2022, ang services sector ang nagtala ng may pinakamataas na kontribusyon na 5.8 percentage points. Ito ay sinundan ng industry sector na nagtala ng kontribusyon na 1.6 percentage points. Habang ang agriculture, forestry at fishing ay nakapag-ambag ng 0.2 percentage points sa kabuuang pagtaas ng GDP,” saad ni Mapa.
Tiniyak naman ng National Economic Development Authority na on track ang gobyerno na maabot ang target na 6.5% hanggang 7.5% growth rate.