Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ang ekonomiya ng bansa ng 7.7 percent sa huling tatlong buwan ng taong 2021.
Sinabi ni PSA National Statistician Dennis Mapa na naungusan nito ang dating negative 8.3% GDP rate sa kaparehong panahon noong 2020 at ang 6.9% noong third quarter ng 2021.
Ayon kay Mapa, nakatulong dito ang pagluwag ng buong bansa sa Alert Level 2 status bago matapos ang taon.
Dahil dito, tiwala si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua na maibabalik ng bansa sa pre-pandemic level ang GDP growth rate ngayong 2022.
Facebook Comments