Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang pinakabagong assessment ng Moody’s Credit Rating Company sa Pilipinas kung saan ipinapakita nito na mas gaganda pa ang andar ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, batay sa Moody’s ay sa kabila ng political noise sa bansa ay magiging maganda pa rin o hindi naman masyadong naaapektuhan ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.
Samantala, ikinatuwa din ng Malacañang ang nakuhang ranking ng Pilipinas sa Booking Financial and Digital Inclusion Project Report.
Sinabi ni Abella, lumalabas na kabilang ang Pilipinas sa 15 bansa na nagbibigay ng accessible financial services sa mamamayan kung saan nakakuha ang Pilipinas ng score na 76% kaya ang Pilipinas pa rin ang nangunguna sa buong Asia bilang Financially Inclusive country.