Inihayag ng Department of Tourism (DOT) na nais ng pamahalaan na mas palakasin pa ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito’y matapos payagan na ng gobyerno na makapasok sa bansa sa susunod na buwan ang mga dayuhan na fully vaccinated at galing sa non visa required country.
Ayon kay DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, kailangan ng balanse sa kalusugan at kaligtasan sa ekonomiya.
Aniya, ang hakbang na ito ay nakatuon sa mas masigla na ekonomiya ng bansa.
Samantala, makikipag-ugnayan na ang DOT kasama ang DILG sa mga Local Government Unit (LGU) lalo na sa mga tourist destination sa mga ipapatupad na guidelines upang masunod ang mga minimum health and safety protocols kontra COVID-19.
Facebook Comments