Ekonomiya ng Pilipinas, nakaranas ng bahagyang pagbaba sa third quarter ng 2020

Nakaranas ng bahagyang pagbaba ang ekonomiya ng Pilpinas sa third quarter ng taong 2020 dahil sa ilang pagbabago ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ay matapos makapagtala ang PSA ng -11.4% na Gross Domestic Product (GDP) na bahagyang mababa sa naunang naitala na -11.5%.

Mayorya ng mga tumutulong upang mapanatili ang magandang lagay ng ekonomiya ay ang; Real Estate and Ownership of Dwellings; Education at iba pang serbisyo.


Sa ngayon, umaasa ang mga economic managers na aabot sa 5.5% ang maaabot ng ekonomiya ng bansa na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic na nagsimulang kumalat sa Pilipinas noong Marso 2020.

Samantala, bumagsak din sa 3.8% ang kabuuang farm output ng bansa nitong 4th quarter ng 2020, mula sa 0.1% na naitala noong 2019.

Bunsod ito ng mababang produksyon sa agrikultura kabilang na ang mga pananim, mga alagang hayop, manok at isda.

Facebook Comments