Sa huling quarter pa ng taon inaasahang makakabangon ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang naging pagtatasa ng Moody’s Analytics, isang financial service company, kasabay ng pahayag na makakabawi na ng mga bansa sa Asia Pacific Region ang lugi sa ekonomiya bunsod ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Anila, isang factor dito ay ang paggulong ng COVID-19 vaccine program sa ilang bansa sa nasabing rehiyon.
Habang lubos namang nakaapekto sa Pilipinas ang halos 9.9% na economic contraction noong 2020.
Bagama’t huli, inaasahan naman lalago ng 4.4% ang ekonomiya ng bansa ngayong taon at 6.2% naman sa taong 2022.
Facebook Comments