Posibleng bumalik na sa 75 percent capacity ang ekonomiya ng Pilipinas pagdating ng Hulyo kasunod ng pagpapababa ng lebel ng community quarantine.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, malaki ang naitulong sa ekonomiya ng bansa matapos muling buksan ang mga micro small, and medium enterprises.
Nabatid na isa kasi aniya sa mga tinitignan ng monetary authorities ang ilang indicators kabilang na ang inflation at gross domestic product numbers para magdesisyon kung ibababa pa ang overnight borrowing rate at reserve requirement ratio.
Facebook Comments