Nakikita ng isang finance at insurance company na Fitch Solutions na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2022.
Ito ay kasunod na rin ng naitalang pag-angat ng Gross Domestic Product (GDP) sa 7.6 percent para sa ikatlong kwarter ng kasalukuyang taon.
Ayon sa Fitch Solutions, itinaas nila ang kanilang pagtataya ng paglago ng GDP ng bansa sa 7.4% mula sa dati nitong inaasahan na 6.6 percent.
Una nang sinabi ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na lalawak ang ekonomiya ng bansa ng 6.5% hanggang 7.5% sa 2022.
Matatandaang, inihayag ng NEDA na mayroon pa ring mga hadlang na makakaapekto sa ekonomiya ng bansa tulad na lamang ng pagtama ng mga kalamidad at pagbilis ng inflation rate.
Pero, kumpiyansa ang nasabing ahensya na maaabot ng bansa ang target na GDP ngayong taon.