Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na posibleng sumadsad ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taon.
Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, umaasa sila na mas maganda ang resulta nito kumpara noong ikalawang quarter kung saan ang Gross Domestic Product (GDP) ay pumalo sa 16.5% na naitalang mas malala sa loob ng tatlong dekada.
Kung ikukumpara aniya ang resulta ng quarter-by-quarter, magiging positibo ito base na rin sa datos ng July Labor Force Survey (LFS) pero kung taon-taon ito ibabase, magiging negatibo pa rin ang resulta.
Matatandaan na sumadsad ang ekonomiya ng bansa sa unang quarter bunsod na rin ng ipinatupad na quarantine measures ng pamahalaan kontra COVID-19.
Sinabi naman ng World Bank na posibleng sumadsad pa sa 6.9% ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagkabigo ng Pilipinas na makontrol ang COVID-19 pandemic.
Maaari rin umabot sa -9.9% ang ekonomiya ng Pilipinas sakaling magkaroon ng worst-case scenario dahil na rin sa pandemic kung saan paulit-ulit na nagpapatupad ng lockdown at re-openings.