Iginiit ng independent think tank Ibon Foundation na “worst perfoming” ang ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Naitala ang pinakamababang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas noong nakaraang taon na nasa -9.5%.
Sa Facebook post, ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa ay bunga ng malawakang lockdowns at quarantines.
Resulta rin anila ito ng mahinang pandemic response at kawalan ng economic stimulus.
Aabot sa ₱1.54 trillion pesos ang nawala sa ekonomiya ng bansa nitong 2020.
Binanggit din ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 5.8 million na Pilipino ang nawalan ng trabaho noong nakaraang taon.
Una nang sinabi ng Malacañang na mahusay ang naging pagtugon ng pamahalaan sa health crisis kung saan 90-porsyento ng kaso sa bansa ay mild at asymptomatic lamang.