Eksena sa pelikulang “Barbie” na may mapa ng nine-dash line ng China, pwedeng ipa-edit o alisin – Sen. Padilla

Payag si Senator Robin Padilla na i-edit out o alisin ang eksena sa pelikulang “Barbie” na nagpapakita ng isang mapa na may nine-dash line ng China sa sakop na teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Padilla, ito ay kung magkakaroon ng kasunduan ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at ang producer ng pelikula para maipalabas ang Barbie movie sa bansa.

Sinabi ng senador, sakaling pumayag ang dalawang panig at pupwede namang alisin ang naturang eksena ay “no problem” at pwede itong ipalabas sa mga sinehan sa bansa.


Subalit kung hindi naman magkaroon ng kasunduan na huwag gawing usaping geopolitical ang pelikula ay nararapat lamang na ipagbawal ang local distribution ng pelikula.

Aniya pa, ang eksenang nine-dash line ng China ay taliwas sa arbitration ruling noong 2016 na pumapabor sa Pilipinas at ang desisyon kung ipagbabawal o hindi ang pagpapalabas ng pelikula ay magiging depende pa rin sa magiging “messaging” o hatid na mensahe nito.

Facebook Comments