Eksenang sampalan sa pelikula nila Erich Gonzales at Lovi Poe, nauwi sa totohanan

Manila, Philippines – Pansamantalang itinigil ang shooting ng pelikula nina Lovi Poe at Erich Gonzales dahil nauwi sa totohanan ang eksenang sampalan nilang dalawa.

Sina Lovi at Erich ang mga bidang babae sa The Significant Other kung saan leading man nila sa pelikula Si Tom Rodriguez.

Sa eksena, nagpatalbugan sa isang fashion ang mga karakter ng dalawang aktres pero nagulat ang lahat sa set ng kanilang pelikula nang nauwi sa totohanan ang eksena.


Nagtamo ng sugat sa daliri si Erich dahil sumabit ito sa hikaw ni Lovi, kaagad naman daw humingi ng dispensa si Lovi kay Erich at saka tumalikod para gamutin ang namamaga nitong leeg.

Wala naman daw dahilan upang magkasakitan nang totohanan ang dalawang aktres.

Pero sa tingin ng karamihan ay posibleng nadala lang nang husto sina Lovi at Erich dahil sa tindi ng kanilang emosyon.

Facebook Comments