EL NIDO REHABILITATION | Inter-agency task force, nilinaw na hindi total closure ang gagawin sa El Nido, Palawan

Agad nilinaw ng Inter Agency Task force na hindi total closure ang mangyayari kasunod ng gagawing rehabilitation sa El Nido, Palawan hindi gaya ng ginawa sa Boracay.

Ipinaliwanag ni DENR Sec Roy Cimatu na indibidwal na ipapasara ang ilang mga establisyemento na lumalabag sa environmental law.

Sa katunayan aniya ay may dalawanput dalawang establisyimento na ang nasampolan o ipinasara dahil sa mga paglabag nang magsagawa ng inspection ang IATF.


Hindi man cesspool gaya ng Boracay pero over crowded na sa lokal at dayuhang turista ang El Nido.

Bukod pa aniya ito sa mga basurang itinatapon lamang sa lagoon at banyo o mga CR na nakapwesto sa hindi tamang lugar.

Magpapatawag ang ahensya ng unang consultation meeting kaugnay ng El Nido rehabilitation.

At dahil sa maganda ang idinulot ng pagsasaayus ng gubyerno sa boracay, matapos ang el nido sa palawan ay isusunod agad ang Panglao sa Bohol.

Facebook Comments