El Niño at pagmahal ng presyo ng krudo sa World Market, itinuturing na panganib sa Inflation

 

 

Hindi na bago ang nagaganap na inflation outturn sa bansa lalo pa at inaasahan na ito hanggang sa katapusan ng 2019 hanggang 2020.

 

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, ang posibilidad na mas malakas at mahabang El Niño kasabay ng pagmahal ng halaga ng langis ay maaari pa ring makaapekto sa pagtaas ng presyo ng serbisyo at mga pangunahing bilihin.

 

Sabi pa ng BSP,  magdudulot din ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ang patuloy na pagkabinbin ng 2019 budget sa Kongreso at idagdag pa rito ang kawalang katiyakan sa pandaigdigang ekonomiya.


 

Sa gitna nang ganitong kondisyon, tiniyak ng BSP na babantayan ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa bansa at isasaalang-alang ang lahat  ng mahahalagang impormasyon na makakalap  sa  susunod na pagbalangkas ng monetary policy sa kanilang pagpupulong sa daraing na May 2019.

 

Layon nito na mapagtibay ang monetary policy na mandato ng BSP na panatilihin ang price stability sa bansa.

Facebook Comments