GENSAN – Dahan-dahan ng humihina ang El Nino Phenomenon na nararanasan sa bansa lalo na sa mga taga Mindanao mula sa nakaraang taon.Ayon kay PAG-ASA Gensan forecaster Dante Ariola, nasa moderate stage na ang El Nino ngunit posibleng ito’y mananatili sa bansa hanggang Hunyo o Hulyo pa ngayong taon.Sa susunod na linGgo, inaasahan naman ang opisyal na pagdedeklara ng summer ng Pag-Asa.Kahapon naman ay bumuhos ang ulan sa iilang lugar sa Gensan. ito’y nangyari iilang oras matapos lamang nasaksihan ng mga taga General Santos at Sarangani ang 80% na Partial Solar Eclipse kahapon ng umaga.
Facebook Comments