El Niño online platform, ilulunsad para sa mabilis na information dissemination sa publiko

Maglulunsad ng El Niño online platform ang pamahalaan para sa mas mabilis na pagpapakalat ng impormasyon sa publiko hinggil sa mga plano at pagtugon sa mga suliraning idudulot ng El Niño phenomenon sa bansa.

Ang El Nino online platform ay salig sa Executive Order No. 53 na naglalayong makapagbigay sa publiko ng mahahalaga at napapanahong mga impormasyon bilang paghahanda sa pagtama ng El Niño phenomenon.

Kamakailan, nagpulong ang Task Force El Niño sa pangunguna ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr., bilang chairperson kung saan inilatag din ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga short, medium, at long-term interventions para sa inaasahang magiging epekto ng panahon ng tag-init.


Binubuo ang Task Force El Niño ng mga opisyal mula sa iba’t ibang kagawaran ng gobyerno kabilang na sina Environment Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga, Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., Health Sec. Teodoro Herbosa, at NEDA Sec. Arsenio Balisacan.

Facebook Comments