El Niño portal, ilulunsad

Nakatakdang ilunsad ang El Niño portal na pangungunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro matapos bumisita sa Camp O’Donnel sa Capas, Tarlac kamakalawa.

Ayon kay Sec. Teodoro, ang El Niño Portal ay bahagi ng komprehensibong pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng matinding tagtuyot sa bansa.


Magsisilbi aniya itong mahalagang kasangkapan sa pagkolekta ng datos upang makatugon sa water supply shortage.

Nabatid na si Teodoro ang Chairman ng Task Force El Niño na nilikha ng pangulo para ipatupad ang whole of government approach sa pagtugon sa problemang kaakibat ng El Niño phenomenon.

Facebook Comments